"Karimlan man ngayon ang natatanaw mag-aantay pa rin kay haring araw" "
Hindi lahat ng nagsasabi ng mabuti ay mabuti ng tao" "
Kahit gano ka man ka galing tandaan mo may mas hihigit pa sayo" "
Hindi lahat ng nakikita mong naka ngiti sayo kaibigan na,minsan kung sino pa yong laging pumupula yon pala yong totoong kaibigan mo"
"Hindi lahat ng mukang walang alam ay inosente minsan para-paraan lang yan para makarami"
"Lahat ng bagay may katapusan kaya habang may hininga namnamin ang buhay kasi wala namang nakakalabas dito ng buhay lahat naman tyo mamamatay" "
Kung sino pa ang may mahabang sayang suot mas malandi pa kaysa halos wala ng saplot"
"Katotohanan man takpan at ibaon ebidensya kusang lilitaw sa takdang panahon"
"Ang mamuhay sa kasakiman walang ligayang nakakamtan"
"Ang taong walang motibo sa pagkikipagkapwa tao hindi nandadamay ng pangalan ng kahit sino"
"Ang pagmamahal hindi pinipilit kusang umuusbong pigilan man mas lalo pang yayabong"
"Gumawa ka ng sarili mong imahe para makilala huwag pangalan ng iba upang mapaangat ka"
"Hindi masama ang mamuhay ng simple na pinaghirapan, ang masama ang mamuhay ng marangya na nakuha sa madalian" kung nakakaintindi ka di na kailangan ng mahabng explanation kasi sa totoo lang mas malalim pa ang simpleng sagot kysa madami pang pa sikot sikot!
No comments:
Post a Comment