Monday, November 29, 2010

ENSAYMADA



Kaninang umaga habang pauwi na ako galing palengke sinusundan ko ang mag-amang nagtutulak ng kariton na laman ng mga lumang kahoy at mga plastik. Napansin ko kagad ang kabibohan ng batang lalaki. Ang liit nya pero ang liksi gumalaw todo tulak sya sa kariton na kala mo kayang-kaya nya na, napangiti na lang ako habang sinusundan ko sila. Sa di kalayuan may nakahintong bisikletang nagtitinda ng mga tinapay ng makita yon ng bata takbo sya papunta don tpos sabay sigaw sa kanyang ama ng "tay bili tayo!" na nakaturo ang mga daliri sa malalaking ensaymada. Huminto ang ama at ang kanyang kariton sa tapat ng bisikletang nagtitinda sabay dukot sa bulsa, binilang ang mga barya tpos tinuro sa tindero ang pandesal. Nakita ng bata ang tinuro ng ama "ayaw ko nyan!" sabi nya, "ito oh!" na nakaturo sa ensaymada. Ngumiti na lang ang kanyang ama sabay abot ng bayad sa biniling pandesal, ngiti na alam ko na nahiya kasi di mapagbigyan ang anak at nakita nyang ring nakatingin ako. Iniabot nya sa anak ang supot ng pandesal pero ayaw ng bata. May kunting kirot akong naramdaman sa eksenang yon. Habang inaamo ng tatay ang kanyang anak bumili ako ng ensaymada at binigay sa bata. Sa tuwa nya tumakbo papalayo habang kagat ang tinapay na bigay ko, ngumiti ang ama at nagpasalamat sakin at sinuklian ko din ng ngiti at naglakad na ako pauwi.


-Naisip ko lang madami sa atin nag-iisip kung kilan makakabili ng bagong cellphone,loptop mga bagong damit, pero may mga taong masaya na na makakain ng tatlong beses sa isang araw. Dapat magpasalamat tayo, kasi sobra-sobrang biyaya na ang natatanggap natin sa araw-araw kaysa sa iba!



.