Ibig kong marikit,
katapatan ko yaring kapalit,
sayo handang ibigay ang nais,
sa pag sinta mong walang paris.
Ngalan ko siyang laging titik mo,
hahamakin ang lahat hanggang dulo,
puso mang lumbay mapapa-amo,
sa pulot na kandiling bigay mo.
Ngunit sarili ko'y na umid sa napagtanto,
balintataw ma'y di napahinuhod na totoo,
na ikaw irog kong marikit paglililuhan ako,
saan nagkulang? may mali ba ako?
Isa ka ngang pantas na matuturing,
ni kunting hinala sayo'y di mawaring,
napangalisag na lng itong abang giliw
irog ko sa iba ika'y umiindak, nang-aaliw.
Paraiso ko luha'y bumabalisbis,
di mawatawat kung ano pa ang iyong nais,
ngayon abang giliw mo'y nagtatangis,
dibdib parang naaagnas sa sobrang hapis.
Pagsaulang-loob ngayo'y nasaan?
pagdulutan mo itong abang napagliluhan,
ng aking piling ibig na nakahilig sa ibang kandungan,
marawal na anino ngayo'y naaaninag sa aking taksil na kasintahan.