laot ng panloloko
kumakaway nanunuyo
matamis na paanyaya
sa kanya'y maaaninag nananahan
mga kataga na humahaplos sa puso
animo'y mala anghel ang kanyang anino
sa galaw na di makabasag plato
di mo iisipin kayang mag manipula ng tao
sa pag hanga di mo mapupuna
na bawat galaw di numero, sinusukat pala
bawal magkamali lahat dapat tugma
kundi ang nasimulan mapupunta sa wala
mga tagahanga lalong pabibilibin
bubusugin ng mala gintong aralin
ng di makitaan ng anumang butil,
butil ng panlilinlang na kung bubuksan kaya kang patumbahin
kumakaway nanunuyo
matamis na paanyaya
sa kanya'y maaaninag nananahan
mga kataga na humahaplos sa puso
animo'y mala anghel ang kanyang anino
sa galaw na di makabasag plato
di mo iisipin kayang mag manipula ng tao
sa pag hanga di mo mapupuna
na bawat galaw di numero, sinusukat pala
bawal magkamali lahat dapat tugma
kundi ang nasimulan mapupunta sa wala
mga tagahanga lalong pabibilibin
bubusugin ng mala gintong aralin
ng di makitaan ng anumang butil,
butil ng panlilinlang na kung bubuksan kaya kang patumbahin