Ikaw ang bitamina nitong aking kaluluwa,
di man makatikim ng luto ni inday sa umaga,
wala man ang tsaa, tinapay, basta mahithit ka,
oh... ang araw ko'y kay ganda ng simula.
Isang stik mo lang loob ay panatag,
di ka ma amoy damdamin nabaabagabag,
para bang lakas ko'y unti-unting natitibag,
natutupok, halos malaglag.
Usok mo man buhay ay nakikitil,
wala akong pakialam di pasusupil,
ako may hawak sayo walang makakapigil,
kahit si chi-chi tatapon sa bintana kapag nanggigil.
Magwawala kapag di ka nasilayan,
Milan ay guguho bitamina nasaan?
kunin na ang lahat huwag lang ang nakasanayan,
kung ayaw nyong magsama ang balat sa tinalupan.
Para po kay Kuya Gaia ang tula na to! sa sobrang pagmamahal nya sa yosi nya, "Cigarrete Smoking id dangerous to your health!" (lol)